Russell Westbrook
Sports

Russell Westbrook -Chris Paul trade, opisyal na

SINALUBONG na ng Houston Rockets si Russel Westbrook bilang bagong miyembro ng koponan ngayong araw.

Ito ay kasunod ng naging trade ni Westbrook mula sa Oklahoma City Thunders kapalit ni Chris Paul at ng dalawa pang first round-draft picks.

Habang mapapabilang naman sa Oklahoma ang first-round picks ng rockets sa 2024 at 2026 at may option na i-swap ang first-round selections sa 2021 at 2025.

Ang naging paglipat naman ni Westbrook sa Rockets ay ang muli ding pagsasama nila ng kaniyang former thunder teammate na si NBA scoring champion James Harden.

Matatandaan namang nakapaglaro na si Chris Paul sa OKC sa kaniyang unang dalawang season sa NBA noong 2005-2007.

Ang eight-time All-Star at two-time NBA scoring leader na si  Westbrook ay mayroong pang apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng  US$171.2 million.

Mayroon namang tatlong taong kontrata pa ang nine-time all-star at four-time league assists leader na si Paul na nagkakahalaga ng US$124.1 million.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *