Runner na si Kristina Knott, nag-qualify na rin sa Tokyo Olympics

Runner na si Kristina Knott, nag-qualify na rin sa Tokyo Olympics

NAG-qualify na rin sa Tokyo Olympics ang Filipino-American runner na si Kristina Knott.

Ito ay sa pamamagitan ng universality rule at makalalahok na siya sa women’s 200M sprint event.

Samantala, nagpositibo sa COVID-19 ang nasabing manlalaro na asymptomatic at sumasailalim sa limang-araw na isolation ayon sa Philippine Amateur Track and Field Association.

Ngunit tiniyak ng coach nito na si Ro Griffin na may isang buwan pa para makarekober siya mula sa virus.

Sa ngayon, labinglima na ang mga manlalaro ng bansa na makakalahok sa Tokyo Olympics.

Ang mga ito ay sina EJ Obiena (pole vault), Carlos Yulo (gymnastics), Hidilyn Diaz at Elreen Ando (weightlifting), Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at Nesthy Petecio (boxing), Criz Nievarez (rowing), Kurt Barbosa (taekwondo), Margielyn Didal (skateboarding), Jayson Valdez (shooting), at Juvic Pagunsan (golf).

10,000 katao, papayagang manood sa mga venue ng tokyo olympics

Samantala, napagdesisyunan ng organizer ng Tokyo Olympics 2020 na hanggang 10,000 fans lamang ang papayagang makapunta sa mga venue ng palaro.

Ayon kay Tokyo 2020 Organizing Committee President Seiko Hashimoto, lilimitahan lamang ang bilang ng mga dadalo sa 50% na kapasidad ng venue o hanggang 10,000 katao lamang.

Gayunman, nilinaw ni Tokyo Governor Yuriko Koike na sakaling magkaroon ng pagbabago sa bilang ng kaso ng impeksyon, posibleng mababago pa ang desisyong ito at hindi na papayagan ang pisikal na manonood sa mga venue.

(BASAHIN: Olympic organizers sa Japan, ipagbabawal ang pagbebenta ng alcoholic drinks)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *