Showbiz

Ruffa Gutierrez, dinepensahan sina Richard Gutierrez at Pia Wurtzbach sa coronation ng Bb. Pilipinas 2018

May valid explanation ang aktres na kapatid ng actor at host Richard Gutierrez na si Ruffa Gutierrez.

Ito ay kaugnay sa mga pinunang pasigaw na hosting ni Richard sa nakaraang coronation night ng Bb. Pilipinas 2018.

Sadya raw na nilakasaan nina Richard at ng co-host nito na si Pia Wurtzbach ang kanilang mga boses dahil sa sobrang ingay ng mga tao sa loob ng big dome.

Kung hindi lalakasan ng mga host ang kanilang boses, hindi maiintindihan ng mga audience ang kanilang mga sinasabi

Say rin ni Richard na mahina ang audio kaya’t hindi magkarinigan ang dalawang host sa kanilang mga sinasabi kaya kailangan nilang lakasan ang kanilang boses.

Say ni Ruffa, nabawasan lamang ang ingay ng audience nang hindi manalo sa top 15 ang mga kandidata na ipinangangampanya ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *