RT-PCR test, required muli sa Boracay

RT-PCR test, required muli sa Boracay

KAILANGAN muling mag-presenta ng negatibong RT-PCR test ang mga fuly vaccinated na turista na babiyahe patungong Boracay sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Kahit may vaccination card, sinabi ni Malay Mayor Frolibar Bautista na kailangan pa rin ang RT-PCR test na may negative result sa loob ng 72 oras bago ang departure.

Ang bagong executive order na nilagdaan ni Aklan Governor Florencio Miraflores ay magiging epektibo sa Linggo, Enero 9.

Sinabi rin ni Bautista na magpapatupad rin ang local government ng mas mahabang curfew hours mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga.

Habang ang operating hours para sa mga negosyo sa isla ay lilimitahan mula alas 5 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi.

Nobyembre 2021 nang alisin ang test requirements para sa mga fully vaccinated tourist na papasok sa Boracay.

Follow SMNI NEWS on Twitter