royal baby boy
Showbiz

Royal baby boy nina Prince Harry at Duchess Meghan, bininyagan na

BININYAGAN na ang 2-month-old royal baby boy nina Prince Harry at Duchess Meghan Markle of Sussex na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

Naganap ang seremonya sa pribadong chapel sa loob ng Windsor Castle, kahapon sa pangunguna ni Archbishop of Canterbury Justin Welby gamit ang tubig na mula pa mismo sa Jordan River.

Suot ng royal baby ang handmade replica ng royal christening robe na ginamit noong 1841 nang binyagan ang panganay na anak ni Queen Victoria.

Alinsunod din sa tradition ng royal family ay suot-suot ni Baby Archie ang silver ornate lily font at royal heirloom.

Bagaman hindi nakadalo si Queen Elizabeth dahil sa ilang prior engagement ay present naman sa family event sina Prince William and Duchess of Cambridge Kate Middleton gayundin sina Prince Charles at Duchess of Cornwall Camilla.

Magugunitang May 8 nang isinilang ni Duchess Meghan si Baby Archie.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *