Rollout ng Sputnik V, umarangkada na sa 4 na lungsod sa Metro Manila

Rollout ng Sputnik V, umarangkada na sa 4 na lungsod sa Metro Manila

UMARANGKADA na sa apat na lungsod sa Metro Manila ang pagbabakuna gamit ang Sputnik V vaccine na mula Russia.

Sa Makati City, nasa 800 indibidwal na nasa priority list ang target na mabakunahan ngayong araw ng nasabing bakuna.

Pinangunahan naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagturok ng Sputnik V vaccine kay Walter Rigonan, empleyado ng Santa Ana Hospital, Manila.

Nagsimula na rin ang inoculation ng Taguig City sa A1 hanggang A3 Priority Group sa Lakeshore Mega Vaccination Hub.

Habang umarangkada na rin ang pagbabakuna sa Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City kung saan nasa dalawang libong residente sa A1-A3 priority group ang target bakunahan.

Ang apat na lungsod kasama ang Muntinlupa ang nabigyan ng tig-3,000 doses ng Sputnik V vaccine mula sa 15,000 dosis na dumating sa bansa noong Mayo 1.

HEAD 2: Medical frontliners sa lungsod ng Maynila, babakunahan ng Sputnik V vaccines

Samantala, maaga pa lang ay nakapila na ang mga medical frontliners mula sa anim na ospital ng lungsod ng Maynila para tumanggap ng unang dose ng Sputnik  V vaccine ngayong araw sa Sta. Ana Hospital.

Ang unang araw ng Gamaleya vaccination para sa A1 group ng mga hospital sa lungsod ay sasaksihan ni Health Secretary Francisco Duque III at ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

Kahapon nang hapon  dumating na dito sa Sta. Ana  Hospital ang nasa tatlong libong dose ng Sputnik V vaccine na bigay ng pamahalaang nasyonal sa lungsod.

Una na ring sinabi ni Mayor Isko na unang makikinabang sa Sputnik V ay ang mga medical frontliner o yung mga nasa A1 Category na hindi pa nababakunahan  kontra COVID-19.

Paliwanag ni Yorme, dalawa ang dahilan kung bakit ilan sa mga nurses at doktors ang hindi pa na nababakunahan kontra COVID-19 ay dahil ang iba sa mga ito ay ayaw ng naunang dalawang brand gaya na Sinovac at AstraZeneca.

Ikalawa ang iba sa mga health care workers ng Manila LGU ay tinamaan din ng COVID-19 kaya’t hindi pa maaaring magpabakuna.

Ang sobrang Sputnik V vaccine mula sa mga medical frontliner ng lokal na pamahalaan ng  lungsod  ay maaring ibahagi  sa mga medical frontliners na nasa ospital na pag-aari ng national government sa lungsod, private hospital at maging ng mga health care workers na nasa clinic.

Maaari rin ibahagi sa A2 category o mga senior citizen at A3 category na may mga comorbidities sa siyudad

Pero kahit naka-iskedyul ngayon ang mga medical frontliner, may mga senior citizens pa rin ang nagbabakasakaling mabakunahan din ng Sputnik V vaccine.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *