Roger Federer
Sports

Roger Federer, pasok muli sa 3rd round ng French Open

MULING nakapasok sa third round ng French Open ang tennis superstar na si Roger Federer sa ikalabing-limang beses.

Ito ay matapos na pataubin ng Swiss tennis superstar ang German tennis player na si Oscar Otte sa score na 6-4, 6-3, 6-4 sa nagpapatuloy na torneo.

Pinasalamatan naman ng 37-year old tennis superstar at 2009 French Open Champion ang kanyang mga fans.

Susunod namang makakaharap ni Federer ay ang Norwegian tennis player na si Casper Ruud.

Tinalo naman ni Ruud ang Italian player na si Matteo Berretinni sa score na 6-4,7-5,6-3 para makapasok sa third round.

 SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *