Sports

Rockets, dinagdagan pa ang winning streak

PINALAWIG pa ng Houston Rockets ang kanilang winning streak sa nagpapatuloy na NBA season.

Ito ay matapos na talunin ng Rockets ang Minnesota Timberwolves sa kanilang paghaharap sa iskor na 126-108.

Naging mahigpit naman ang laban ng dalawang koponan kung saan dikit halos ang kanilang iskor hanggang sa huling quarter.

Nagawa lamang mailayo ng Rockets ang kanilang kalamangan pagsapit ng natitirang anim na minuto sa 4th quarter matapos ang sunod-sunod na three point shot nina James Harden at Ryan Anderson.

Nanguna naman para sa panalo ng Houston si Harden na may 34 points at 13 assist.

Sa ngayon, nasa ikalawang pwesto pa rin ang Rockets sa Western Conference na may 43 wins at 13 losses at may 9 winning streak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *