Robin Padilla
Showbiz

Robin Padilla, planong pumasok sa Philippine Army bilang reservist

BILANG pagsuporta sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mandatory ang ROTC sa mga senior high school students ay inanunsyo ni Bad Boy of the Philippines Robin Padilla ang kaniyang planong pagsali sa Philippine Army bilang isang reservist.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Robin na ang kaniyang plano ay upang samahan ang mga estudyante mula umpisa hanggang huling hakbang tungo sa kabayanihan.

Panawagan nito sa mga kabataan, taas dibdib at taas noo na bumangon at lumaban para sa pagmamahal sa inang bayan.

Magugunitang nais ni President Duterte na muling gawing mandatory ang ROTC nalayong gawing handa ang mga kabataang Pinoy sakaling dumating ang panahong kailangan nating ipaglaban ang bansa at sa panahon ng kalamidad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *