muling sinimulan
Regional

Road-cleaing operation, muling sinimulan sa Laoag City

MATAPOS ang Holiday Season ay muling sinimulan ng Philippine National Police traffic division ng Laoag City ang kanilang road-clearing operation.

Kahapon nang nag-umpisa sa kahabaan ng General Luna Street ang kanilang operasyon at nag-isyu ng mga citation ticket sa mga traffic violators.

Ito ay upang masiguro na maayos ang daloy ng trapiko sa kanilang lugar.

Marami ding na-tow na mga sasakyang naka illegally-parked.

Tinanggal din ng PNP traffic division ang mga nakakasagabala sa mga kalye tulad ng halamang nasa paso, mga permanente at temporary shanties, mga tindihan, shops, stalls, sheds, canopies, billboards, signage, advertisements, bakod, pader, railings, basketball courts, barangay halls, at mga garbage receptacles.

Matatandaang sa ika-apat na State Of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ng inatasan nito ang Department of the Interior and Local Government na pangunahan ang Road clearing operation at suspendihin ang mga local chief na hindi susunod sa direktiba.

Ito ay upang maibalik sa publiko ang daan na ginagamit na personal ng iilang private ends.

Kaisa naman dito si Laoag City Mayor Michael Keon na nangakong susunod sa utos ng Pangulo.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *