Retired general ng AFP, nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo laban sa CPP-NPA-NDF

Retired general ng AFP, nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo laban sa CPP-NPA-NDF

NAGPAHAYAG ng suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy ang retired general ng AFP laban sa CPP-NPA-NDF.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI news kay Lt. Gen. Ronnie Evangelista, nagpaabot ito ng suporta kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Chairman ng Sonshine Media Network International dahil sa matapang na pagkondena nito laban sa mga iligal na gawain ng CPP-NPA-NDF sa bansa.

Sa patuloy na hamon at laban ng pamahalaan kaugnay sa problema ng insurhensya sa bansa, sinasabing maraming taon at administrasyon na ang lumipas pero bahagya lamang napagtagumapayan ang pakikibaka ng gobyerno sa CPP-NPA-NDF. Pero sa ilalim ng Duterte administration, hindi nagawang makaporma ngayon ng mga armadong grupo kasama ng mga makakaliwang legal fronts ng mga ito upang maghasik ng lagim, kasinungalingan at panlilinlang sa mga inosenteng sibilyan at mga kabataan.

Aminado si dating Lt. General Ronnie Evangelista na malaki ang idinulot na kasiraan hindi lang sa mga tao kundi sa mismong mabilis na pag-unlad ng bansa dahil sa pagkakatatag ng komunismo at patuloy na pagdami ng mga kasapi nito sa bansa.

Ayon pa sa dating heneral, isa ang impluwensiya ng CPP-NPA-NDF sa mga nagpapahirap sa mga mahihirap.

Kaya naman, bilang isang sundalo, saludo ito kay Pastor Apollo sa malawak na pagsuporta nito sa mga kasundaluhan, kapulisan at sa pamahalaan na magawang ipahayag sa publiko ang mga panloloko ng mga komunistang teroristang grupo sa bansa.

‘’Sana po ituloy tuloy niyo po ang ginagawa nyo na pagtulong sa gobyerno dahil very challenging po hopefully hindi pa naman tapos yong Duterte administration im still crossing my finger na sana po bago matapos ang Duterte administration ay matapos narin po natin itong problema sa insurgency. Ito naman po talaga ang nagpapahirap sa atin kung bakit hindi po tayo makahagwa dito sa kahirapan,’’ ayon kay Ret. Lt. Gen. Evangelista.

Giit pa no Evangelista, dahil sa CPP-NPA-NDF, napag-iwanan na ang Pilipinas mula sa mga karatig bansa nito sa rehiyon.

‘’Napag iwanan na rin po tayo ng mga neighboring countries natin na dati napaka malayo ang agwat natin sa kanila, ngayon na obertekan na tayo dahil po unang-una sa insurgency. Sana po malaman din ng mga kababayan na ang number 1 isyu po natin dito kung bakit hindi po tayo umasenso ang daming po nilang reason sinasabi nilang corruption, sinasabi nila na kulang ang tiwala ng mga investor, kung ano-ano paman pero sa totoo lang po ang number 1 isyu kung bakit hindi tayo makahagwa sa kahirapan ay ang problema natin sa insurgency particular ang CPP-NPA-NDF,’’dagdag nito.

Matatandaang nauna nang tiniyak ni Pastor Apollo ang palaging pagtalima sa mandato tungo sa katotohanan at pawang katotohanan lamang.

Isa aniya ang SMNI, bilang isang pinagkakatiwalaang news tv network sa bansa ang magiging bibig at sandigan ng bansa sa walang alinlangang paghahatid ng buong katotohan at sa malayang paglaban sa mga kalokohan ng CPP-NPA-NDF.

Bukod dito ay ang paalala ni Pastor Apollo sa publiko lalo na ngayong panahon ng eleksiyon huwag iboto ang mga kandidato na may koneksyon sa CPP-NPA-NDF.

Patuloy na babala ni Pastor Apollo sa mga pilipino na mamulat ito sa ibat-ibang isyu sa bansa gaya ng iligal na droga, korapsiyon, terorismo at insurhensiya.

‘’Huwag na po nating ilagay sila, huwag na kayong magkamali kasi e gaguide ko kayo dito sa network natin pinakita ko na sila noong nakaraan kung ano yong mga partylist nila yong mga pangalang Colmenares, Zarate, Ilago, Culiamat, iyang kamatayan block masyado napong lantad sila nakatago parang wolves in ships clothing sila noon. Pero ngayon nakuha na natin yong balat kayo kung nagsalita parang mahal na mahal nila ang bayan. Pero sabi nga ni ka Eric sila ang pinaka malaking armed group itong mga CPP-NPA-NDF. Iyan mga goons yan sila kaya hindi ma condemned tingnan nyo si ka Eric sa mga sinasabi nya. Sabi nya kasama nyo ako noon CPP lead, CPP created,”ayon kay Pastor Apollo.

”Ang mga partidong yan mga partylist na naidefy na natin. So wala na hindi na tayo maaring linlangin pa walang naidudulot nasasayang lang ang pera sa kanilang kamay hindi naman napupunta sa taong bayan. In fact nag-eextort sa taong bayan ginagamit pa yong mga IPs ipadala sa Europa mga picture fundraising na naman pera pera nalang talaga. Kaya ayaw iwan in the guise of civil war, revolution asan ang civil war? asan ang revolution? extortion dami extortion and terrorism ang dami. Pero revolution hindi kayo kakampi ng tao,’’ayon sa butihing Pastor.

Si Evangelista ay nagtapos sa Philippine Military Academy taong 1986.

Napabilang din ang heneral sa special elite forces at bilang commanding officer ng Special Operations Command of the Armed Forces sa ilalim ng counter-terrorist light reaction brigade sa Mindanao.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *