Restriction sa non-essential outbound travel ng mga Pilipino, inalis na

Restriction sa non-essential outbound travel ng mga Pilipino, inalis na

INALIS na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang restriction sa non-essential outbound travel ng mga Pilipino.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magiging epektibo ang polisiya sa Oktubre 21 at subject ng estriktong requirements.

Sa ilalim ng guidelines, ang biyahero ay kailangan may sapat na travel at health insurance at magsumite ng confirmed roundtrip tickets para sa mga babiyahe gamit ang tourist visa.

Kailangan rin ng biyahero na lumagda ng immigration declaration na alam nila ang panganib ng pagbiyahe at kailangan mayroon rin silang negative antigen test result, 24 hours bago ang departure.

Dapat rin silang sumunod sa COVID-19 guidelines para sa returning Filipinos gaya ng pagsasailalim sa quarantine habang hinihintay ang kanilang negative swab test result.

Sinabi ni Roque na mabebenepisyuhan ng polisiya ang mga Pilipino na nais bisitahin ang kanilang foreign partners sa ibang bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *