Resolusyong pumapayag sa pagpapalabas  sa mga batang edad 5 pataas, posibleng bawiin— DOH

Resolusyong pumapayag sa pagpapalabas  sa mga batang edad 5 pataas, posibleng bawiin— DOH

POSIBLENG bawiin ang resolusyong pumapayag sa pagpapalabas sa mga batang edad 5-pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng general at modified community quarantine.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, dapat pagtuunan ang mas nakahahawang variant ng COVID-19 na Delta variant.

Muli namang gagawa ng monitoring at assessment ang Department of Health (DOH) sa mga restriction bago magbigay ng rekomendasyon sa Inter Agency Task Force (IATF).

Iniimbestigahan narin ng DOH ang natukoy na local transmission ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Patuloy ring hinihimok ng ahensya ang publiko na mag-ingat at sumunod sa health protocols kahit pa may pagluluwag nang restrictions.

Mga alkalde ng Metro Manila, naghihintay ng payo mula sa DOH hinggil sa pagpasyal ng mga bata

Naghihintay ngayon ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ng payo mula sa DOH at medical experts kaugnay sa resolusyong pumapayag sa mga bata na mamasayal sa itinuturing na ‘child safety zones’ sa gitna ng binabantayang banta ng Delta variant.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, Jr., nakatakdang magpulong ngayong hapon ang Metro Manila Council at mga eksperto mula sa DOH para pag-usapan ang naturang isyu.

Ani Abalos, mahirap kung basta-bastang magdesisyon na walang payo mula sa mga eksperto.

Pagkatapos ng pagpupulong ngayong araw ay doon pa lamang sila magtatakda ng pinal na desisyon para dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *