Human Rights Council
National

Resolusyon ng UN Human Rights Council, inalmahan ng isang senador

UMALMA si Senator Bong Go sa kinatigang resolusyon ng United Nations Human Rights Council o UNHRC na naglalayong maimbestigahan ang war on drugs ng Duterte Administration.

Ayon sa senador sa kaniyang panayam nang bumisita ito sa mga batang may cancer sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City, hindi na dapat aniya nakikialam ang mga banyagang bansa sa panloob na usapin ng bansa gaya ng United Nations.

“Para sa akin, hindi na dapat sila naghihimasok dito sa ‘tin,” ayon sa pahayag ni Go.

Human Rights Council
Ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva, Switzerland.

Nauna nang kinondena ng Malakanyang ang nasabing hakbang ng UNHRC.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tinututulan at kinokondena ng pamahalaan ang Iceland-led resolution na sinuportahan ng 17 pang mga bansa.

Ani Panelo, one-sided ang resolusyon at kawalan ng respeto sa soberanya ng bansa at maituturing din aniya itong “offensive” at “insulting” sa nakararaming mga Pilipino na suportado ang leadership style ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Panelo, hindi mapapahina o hindi masisindak ng naturang resolusyon ang Duterte presidency at ipagpapatuloy ang pagganap sa kaniyang constitutional duty na panilbihan at protektahan ang sambayanan.

Nakikitang patunay dito ang bagong survey results ng 2019 Global Peace Index kung saang umangat ng tatlong hakbang ang Pilipinas mula sa mga bansang pinakamapayapa.

Mula sa 137 na pwesto, nasa ika-134 na ang Pilipinas ngayon.

“Of course, tanungin niyo nalang yung mga Pilipino, ‘pag naglalakad sila sa kalye kung anong masasabi nila, kung naging peaceful nga ba?” ayon pa kay Go.

“Tingnan niyo nalang ang approval rating ni Pangulong Duterte, 8 out of 10 are satisfied, masaya po sila sa kanilang pamumuhay ngayon,” dagdag pa ng senador.

Paglilinaw pa ng Palasyo, dapat ipaalam ng United Nations Human Rights Council ang kanilang pakay bago sila payagan ni Pangulong Duterte.

“If they (investigators) want to come they have to tell the president their purpose. And if he finds the purpose legitimate, he will allow it,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

POL MONTIBON

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *