Senador De Lima
National

Resolusyon na nananawagang pagpapalaya kay Senador De Lima, inaprubahan ng U.S. Senate

APRUBADO na ng United States Senate Foreign Relations Committee ang isang resolusyon na nananawagan sa agarang pagpapalaya kay Senador Leila de Lima at pagbasura sa kaso laban dito.

Sa US Senate Resolution 142 na inihain noong Abril 2019, kinondena din dito ang pag-aresto at pagdetine sa mga human rights defender at political leader at ang harassment, pag-aresto at unjust judicial proceedings laban sa media at mga mamahayag partikular na sa Rappler at kay Maria Ressa.

Sa Twitter post ni Senator Ed Markey na naghain ng resolusyon, sinabi nito na ang pagpasa sa panukala ay nagpapakita ng malawak na suporta para sa pananagutan sa kaso ng senadora at ng iba pa.

Ayon naman kay Dick Durbin, ikinagagalak niya ang pagpasa ng komite sa resolusyon na kanyang inisponsor para tapusin ang pagkakabilanggo ni Senador De Lima at ang harassment kay Ressa.

Matatandaang ikinulong si De Lima matapos makitaan ng probable cause ng Department of Justice ang pakakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison noong siya pa ay Justice secretary.

Habang nahaharap naman si Ressa kasong libel at cybel libel bilang CEO ng Rappler dahil sa pagpalabas ng artikulo sa businessman na si Wilfredo Keng na sinasabi nitong malisyoso.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *