residential area
Regional

Residential area sa Bacoor City, Cavite, nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential area sa Barangay Talaba VII sa Bacoor City, Cavite ngayong araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), alas 6:30 ng umaga nang magsimula ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma bago idineklarang fire under control.

Tinatayang nasa isandaang bahay at dalawangdaang pamilya ang apektado ng sunog.

Apektado naman ang trapiko sa lugar dahil sa mga rumespondeng bumbero.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at ang kabuuang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *