TINULUNGAN
International

Republican senators, kinumpirmang tinulungan ng Russia si US Pres. Trump sa nagdaang 2016 elections

KINUMPIRMA ng ilang Republican senators noong martes na tinulungan ng Russia si US Pres. Donald Trump upang manalo noong 2016 us Presidential elections.

Sa naging resulta ng imbestigasyon ng Senate Intelligence Committee na pinangunahan ni Republican senator Richard Burr ay nakumpirma ang isinagawang social media manipulation campaign ng Internet Research Agency o IRA na nakabase sa St. Petersburg, Russia.

Base sa report ay inimpluwensyahan ng IRA ang US Presidential election sa pamamagitan ng pagtangkang pagsira sa katunggali nitong si Hillary Clinton at pagbibigay suporta kay Trump ayon sa utos ng Kremlin.

Itinanggi naman ni Trump ang nasabing alegasyon bilang fake news at isang uri ng witch hunt ng mga democrats habang iginiit naman ni Trump at ng ilang kaalyadong republicans na nakipagsabwatan umano ang democrats sa Ukraine noong 2016 upang siraan ang US President.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *