Reproduction number o bilang ng hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumaba pa sa 0.57

Reproduction number o bilang ng hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumaba pa sa 0.57

INIHAYAG ng OCTA research na bumaba pa sa 0.57 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).

Patuloy na bumubuti ang COVID situation sa Metro Manila kung saan nakapagtala ng mas mababa pang reproduction number o bilang ng hawaan sa rehiyon.

Batay sa datos ng OCTA research team, bumagsak pa sa 0.57 ang reproduction rate sa National Capital Region.

Sinabi ni OCTA fellow dr. Guido David na nasa 1,448 ang 7-day average habang nasa 9% naman ang positivity rate sa Metro Manila.

Pagdating naman sa Healthcare Utilization Rate (HCUR), ito ay nasa 44% at ICU occupancy na nasa 59%.

Gayunpaman, may ilang lugar pa rin sa bansa na ngayon lang nagkakaroon ng surge o nagsisimula pa lang ang pagtaas ng kaso.

Kaya naman, giit ni David, hindi dapat na magpakampante ang mamamayan, bagkus, ugaliin pa rin ang patalima sa minimum public health standards.

Mahalaga ring sundin ang patakaran doon sa tinatawag na 3 Cs o Closed Spaces; Crowded Places; at Close-Contact Settings.

Sa kabilang banda, ibinahagi ng Department of Health (DOH) ang kanilang bagong projections na kung saan papalo na lamang sa 1,126 ang Coronavirus cases sa NCR pagsapit ng Nobyembre 15.

Pahayag ni DOH Spokesperson undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung patuloy din na mag-improved ang vaccination coverage at mapananatili ang detection hanggang sa isolation, ay tiyak na mas bababa pa ang nasabing numero ng COVID-19 cases.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *