MIAA
National

Rep. John Bertiz, isinauli na ang access pass ng MIAA

IBABALIK ni ACTS OFW partylist Representative Aniceto “John” Bertiz III ang access pass na ibinigay sa kanya ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ito aniya ay upang maipakita niya ang sinserong paghingi ng paumanhin sa inasal nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nais din ni Bertiz na personal na humingi ng paumanhin sa security personnel na kanyang nasigawan.

Dagdag nito, ayaw na niyang madamay pa ang mga kapwa kongresista at iba pang may hawak ng naturang I.D.

Paliwanag ni Bertiz, ipinakita lamang niya ang access pass sa security personnel dahil ito lamang ang tanging I.D. sa kanyang bag.

Subalit iginiit na hindi niya ito gagamitin kung hindi para sa official business.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *