Relief goods para sa Quezon Province, bahagyang maaantala —Gov. Suarez

Relief goods para sa Quezon Province, bahagyang maaantala —Gov. Suarez

BAHAGYANG maaantala ang pagbibigay ng relief goods sa ilang bahagi Quezon Province na timaan ng Bagyong Ulysses.

Ito ang inihayag ni Quezon Province Governor Danilo Suarez sa panayam ng SMNI News.

Gayunman, tiniyak ni Suarez na nakahanda na ang mga relief goods para sa mga ito.

“Ang akin lang panawagan, hindi ko maibyahe muna yung mga relief. Pero ang mga relief andyan na sa Real (Quezon Province), eh ‘pag medyo gumanda-ganda na ang panahon at puwede na ninyong-either ako ang magpadala sa inyo o yang mga mayor dyan, kunin ninyo inyong allocation. Kailangang kailangan ninyo yan, mga food stuff tsaka ibang mga medical supplies,” panawagan ni Gov. Suarez sa kanyang mga nasasakupan.

Samantala, may mga kalsada pa ring hindi pa puwede madaanan sa ngayon sa probinsiya dahil sa mataas na tubig-baha.

Ilan sa mga ito ang Lopez-Calauag, Catanauan Road, Dolores at bandang San Antonio malapit sa Quezon-Batangas boundary.

Umaasa naman si Suarez na madadaan na ito ngayong araw dahil medyo bumubuti naman ang lagay ng panahon.

Samantala, kinumpirma rin ng gobernador na dalawa ang nasawi sa Quezon province bunsod sa Bagyong Ulysses.

Sa ngayon ay may 14 ang kabuuang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ulysses ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *