rehabilitation efforts
National

Rehabilitation efforts sa Marawi City, tuloy

TULOY ang rehabilitation efforts ng Task Force Bangon Marawi (TFBM).

Sa kabila ng pagsibak kay Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Secretary-General Falconi Millar.

Sinabi ng grupo na ikinalungkot nila ang pag-alis kay Millar bilang pinuno ng secretariat ng Inter-Agency Task Force.

Ito ay nangangasiwa sa rehabilitasyon sa Marawi.

Gayunman, hindi hahayaan ng task force na maapektuhan ng anumang isyu ang kanilang pagsisikap at serbisyo.

Para sa kabuuang recovery ng Marawi City.

Sa katunayan ay pinaghahandaan na ng task force ang ikaapat na Kawiyagan o ang Livelihood Convergence Initiative.

Kasama ang member agencies na itinakda sa Nobyembre 29.

Marami na rin anilang nagawa ang grupo sa mga nakalipas na buwan sa Marawi.

Kabilang ang debris management na nagsimula noong Oktubre.

Una nang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Millar dahil sa mga alegasyon ng korapsyon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *