Boracay Island
National

Rehabilitasyon ng mga imprastraktura sa Boracay Island, kukumpletuhin

SINISIKAP ng Department of Environment and Natural Resources  o DENR na makumpleto ang pagsasaayos ng mga imprastraktura sa Boracay Island.

Sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na binaha ang ilang lugar sa isla noong weekend bunsod ng pag-ulan at dahil hindi pa tapos ang konstruksyon dito, partikular sa mga drainage.

Dagdag ni Antiporda, tinutugunan na ng mga kaukulang ahensya ang pagbaha, lalo na sa mababang lugar, tulad sa Ambassador Hotel sa Station 1.

Sa ngayon, aniya ay nasa 90% na ang naisasaayos sa mga imprastraktura sa Boracay at may ilang isyu pa rin ang kailangan nilang tugunan.

Noong weekend ay ilang residente ang inilikas matapos bahain ang ilang sections ng resort island kaya kinuwestyun ng ilan ang estado ng rehabilitasyon sa isla.

#SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *