virtual banking sa Pilipinas
Business

Regulatory framework sa virtual banking sa Pilipinas, isinusulong sa Kamara

ISINUSULONG sa Kamara ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang magbibigay ng basic regulatory framework para sa virtual banking sa Pilipinas.

Sa inihaing House Bill 6913, iginiit ni Salceda na mapapalakas ang financial inclusion trust na isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pamamagitan nang pagkakaroon ng regulatory framework sa mga virtual banks.

Sinabi ni Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, na maaring tumaas ang share ng virtual-only banking assets sa 2.83% hanggang 4.34% ng total assets sa universal at commercial banks.

Maaari din umanong lumaki sa P903-B industry ang virtual banking sa Pilipinas sa pamamagitan ng panukalang ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *