Duterte
National

Red October ouster plot laban kay Duterte hindi magtatagumpay  

KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi pa rin nawawala ang sabwatan ng ibat-ibang mga grupo upang patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pagbubunyag ng AFP na “Red October” naman ang ikinakasa ngayon.

Matapos na hindi umubra ang ouster plot sa presidente nitong nakaraang Setyembre 21.

“We have no doubts that the CPP NPA has been out to overthrow the government since they have been founded,” ani Roque.
“We have no doubts that there are power hungry individuals in the opposition who would like to resort to extra constitutional means.”
“To overthrow the government of Pres. Duterte and we have no doubts Magdalo group that is addicted to coup d’etat,” dagdag aniya.

Ayon kay Roque, tatlong grupo na may iisang agenda ang nagsasama-sama para maisakatuparan ang ouster plot.

At ito ay ang komunistang grupo, mga dilawan na aniya’y adik sa People Power.

At si Senador Antonio Trillanes na mahilig naman aniya sa kudeta.

Binigyang diin ni Roque na hindi dapat na balewalain ang conspiracy theory ng hukbong sandatahan.

Na kung pagsasama-samahin aniya ang layunin ng tatlong grupo ay lumalabas talaga na ang target ay alisin sa kapangyarihan si Pangulong Duterte.

Para sa Palasyo, may pinanghahawakang basehan dito ang AFP gamit ang budget sa intelligence.

At tumbukin ang CPP, grupo ng dilawan na kapag hindi nila gusto ang namumuno ay mag-People Power at si Senador Trillanes na mahilig magkudeta.

Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi magtatagumpay ang Red October Ouster plot laban sa Administrasyong Duterte.

Ipinunto ng tagapagsalita ng Palasyo ang ‘overwelming’ na nakukuhang suporta ng pangulo mula sa mamamayang Pilipino kaya malabong maisakatuparan ito.

Ulat ni Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *