Recruitment para sa augmentation force ng NCR health workers, nagsimula na

Recruitment para sa augmentation force ng NCR health workers, nagsimula na

NAGSIMULA na ang recruitment ng health workers na magsisilbing augmentation force para sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa pag-uusap aniya nila ni Department of Health (DOH) Usec. Leopoldo Vega, nasa 60% na ng target ang kanilang na recruit para sa naturang programa.

Magmumula ang augmentation force sa iba’t ibang rehiyon at pansamantalang ide-deploy sa NCR bilang pagtugon sa kakulangan ng medical health workers sa Metro Manila kasabay ng pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ani Roque, base kay Usec. Vega, full-time plantilla positions ang ibinigay sa mga na-recruit na pawang mga bagong government health personnel.

Sa ngayon, inaalam pa ng kalihim ang eksaktong bilang ng naidagdag na medical force at kabuuang target ng DOH para sa programa.

100 health workers mula Cebu, ipadadala sa Metro Manila

Isangdaang doktor at nurse mula sa Cebu ang pupunta sa Metro Manila para tumulong sa mga ospital.

Ito ay ayon mismo kay Health Secretary Francisco Duque III.

Bukod pa rito, inihayag ni Duque na may mga health worker pa na magmumula sa ibang mga probinsiya at rehiyon ang ipapadala sa Metro Manila.

Paalala ni Duque sa mga health worker, kailangan pa rin ng mga ito na mag-ingat sapagkat hindi garantiya ang bakuna para hindi na mahawaan ng COVID-19.

(BASAHIN: Health workers, kabilang pa rin sa priority list para sa AstraZeneca vaccines)

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *