Recalibration program, hindi palalawigin – Malaysia Immigration

Recalibration program, hindi palalawigin – Malaysia Immigration

INIHAYAG ng Immigration Department ng Malaysia na hindi palalawigin ang recalibration program sa bansa na magtatapos sa Disyembre 31.

Binigyang-linaw ng Malaysia Immigration Department na hanggang Disyembre 31 ng kasalukuyan taon na lamang ang nagpapatuloy na recalibration program para sa mga iligal na dayuhan sa bansa.

Ang naturang anunsyo ay inilabas matapos umugong ang balita sa publiko na palalawigin pa umano ito hanggang sa Hunyo ng susunod na taon.

Ayon kay Immigration Department Director-General Datuk Khairul Dzaimee Daud, ang mga employer na nagparehistro na sa kanilang mga empleyado para sa labor recalibration program sa katapusan ng Disyembre bagaman ang mga working visa ay hindi pa nai-isyu ay maaari pang tanggapin.

Bukod dito, sakaling matapos ang recalibration process at kasalukuyang pinoproseso ang dokumento ng mga dayuahan ay sinigurong walang aksyon na gagawin sa mga ito.

 

Sa kabilang banda, sinabi rin ng Immigration Department na nasa isandaan at dalawamput siyam na iligal na dayuhan ang nakulong sa isang pabrika na gumagawa ng mga metal tools sa Balakong  sa Seri Kembangan dakong alas 8:00 ng gabi nitong Lunes.

Pinaniniwalaan rin anila na walang mga sapat na dokumento ang mga nasabing iligal na dayuhan at may iilan rin umano sa mga ito ang gumagamit ng maling dokumento na inisyu ng ahensya.

Samantala, ang mga naaresto ay binubuo ng 110 na lalaki at 19 na babae mula sa Indonesia, Myanmar, India at Bangladesh na nasa edad 20 hanggang 49 kung saan wala namang Pilipino na naiulat na nasangkot sa nasabing pag aresto.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *