Ray Parks Jr., nakapagtala ng career-high points sa nagpapatuloy na B. League sa Japan

Ray Parks Jr., nakapagtala ng career-high points sa nagpapatuloy na B. League sa Japan

GUMAWA ng career-high points si Ray Parks Jr. sa nagpapatuloy na B. League 2021-2022 season sa Japan.

Sa laban ng Nagoya Diamond Dolphins sa Mikawa Seahorses, nakagawa ng 23 points si Ray Parks Jr. para sa Nagoya na nagbigay daan upang talunin ang Seahorses sa iskor na 101-75.

Sa pagtatapos ng first half, nakuha agad ng Diamond Dolphins ang labing limang puntos na kalamangan sa iskor na 43-28.

Maliban naman kay Parks, tumulong rin para sa panalo ng Nagoya si Scott Eatherton na gumawa ng 21-point at 14-rebound.

Samantala, maliban kay Parks, nakapagtala rin ng career-high points si Thirdy Ravena para sa San-En Neophoenix na may 26 points.

Sa kabila nito, hindi pinalad ang San-En na manalo laban sa Toyama Grouses matapos matalo sa iskor na 90-89.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *