Itinuturing
National

Rappler, walang nilabag na Press Freedom

Itinuturing na welcome development ng Malakanyang ang pagbasura ng Court of Appeals (CA) sa petisyon ng online news agency na Rappler na i-review ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang Certificate of Incorporation nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang naging desisyon ng CA ay patunay na tama ang desisyon ng SEC.

“The decision of the CA affirms that the SEC was correct to revoke Rappler’s registration based on its previous investigation.”

Bukod dito, pinatunayan  aniya ng desisyon ng hukuman na walang nilabag sa Press Freedom ang pagpapatupad ng SEC ng kanyang regulatory powers laban sa Rappler.

“The decision likewise supports the Palace stance that this case does not involve Press Freedom;

But the regulatory powers of the SEC,” dagdag pa ni Roque

Kumpiyansa naman ang Palasyo na may kakayahan ang SEC para maging patas sa pagresolba sa kaso ng Rappler.

Magugunitang ipinawalang bisa ng SEC ang registration ng Rappler.

Ito ay dahil sa paglabag sa constitutional requirement na ang mass media ay dapat 100% na pag-aari ng Pilipino.

Ulat Ni: Hannah Jane Sancho

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *