Ramon Ang pinasalamatan ni PRRD sa Pasig River rehabilitation

Ramon Ang pinasalamatan ni PRRD sa Pasig River rehabilitation

PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si San Miguel Corp. (SMC) President Ramon S. Ang sa patuloy na pagtulong  nito sa restoration ng Pasig River.

Matapos ibahagi ni DENR Secretary Roy Cimatu kay Pangulong Duterte na dinoble ni Ang ng P2 billion ang pondo para sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig mula sa sarili nitong bulsa.

“Nakikita kong tao na magtulong sa ating bayan, nagvo-volunteer, walang kondisyon at gumagastos pa is Ramon Ang. “Iyan lang ang masabi ko kay (Ramon Ang), eh napag-usapan namin si Ramon Ang eh. Ako saludo ako diyan,” ani PRRD.

Napag-Alamang 27 kilometro ng Pasig River, ay umaagos sa karagatan ng Maynila na may halos 63, 000 tonelada ng plastik na basura kada taon.

Matapos mabansagan na World’s Most Polluting River sa ilang taon dahil sa  pag-uumapaw ng mga plastic na basura. Tanging sa administrasyong Duterte lamang tinutukan ang pagpapanumbalik ng ganda ng Ilog Pasig.

Samantala, matatandaan noong nakaraang taon sa tulong rin ni Ang na napasimulan ang clean-up drive sa Tullahan-Tinajeros River para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *