Rain or Shine, pormal nang tinapos ang pag-asa ng Blackwater

Rain or Shine, pormal nang tinapos ang pag-asa ng Blackwater

PORMAL nang tinapos ng Rain or Shine ElastoPainters ang pag-asa ng Blackwater Elite na makapasok sa quarter finals ng Philippine Cup ng PBA.

Ito ay matapos na talunin ng ElastoPainters ang Elite na nagtapos sa iskor na 82-71.

Sa naganap na mainit na laban, napigilan ng ElastoPainters ang Elite sa second at third quarters ng laban at nagawang lumamang ng mga ito ng hanggang 20 puntos.

Pinangunahan ni Javee Mocon ang ElastoPainters na nagawang maipasok ang lahat ng kanyang 9 gield goals sa loob ng three-point-line at nakapagtala ng double-double performance na may 19 points at 13 rebounds.

Sinundan naman ito ni Beau Belga na may 14 points.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *