Rain or Shine, nakuha ang huling spot sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup Bubble

Rain or Shine, nakuha ang huling spot sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup Bubble

SIGURADO ng pasok sa quarterfinals ng nagpapatuloy na PBA Philippine Cup Bubble ang Rain or Shine Elasto Painters.

Nakuha ng koponan ang huling spot para sa quarterfinals matapos nitong talunin ang TNT Tropang Giga sa iskor na 80-74.

Nanguna para sa panalo ng Rain or Shine si James Yap at Javee Mocon na may kapwa tig-labing anim na puntos.

Habang nag-ambag rin si Beau Belga ng 12 points at Mark Borboran ng 10 points para sa tulungan ang koponan na makuha ang huling spot sa quarterfinals.

Kabilang naman sa mga koponan na pasok sa quarterfinals ang Barangay Ginebra, TNT, Phoenix Super LPG, San Miguel Beer, Alaska Milk, Meralco at Magnolia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *