20 patay, 70 sugatan sa bumagsak na rail overpass sa Mexico City

20 patay, 70 sugatan sa bumagsak na rail overpass sa Mexico City

Developing Story

BUMAGSAK ang rail overpass structure ng isang train station sa isang kalye na nagresulta ng pagkamatay ng 20 katao at mahigit sa 70 naman ang sugatan nitong Lunes, 10:30 ng gabi sa Mexico City.

Makikita sa mga kuhang litrato ang dalawang bagon ng tren na nakasabit sa napinsalang overpass, habang ginagawa ng mga fire at medical personnel ang emergency rescue.

Samantala, maingat ang mga awtoridad dahil delikado ang lagay ng dalawang tren na nakasabit pa hanggang ngayon, at anomang oras ay maari itong bumagsak pababa at madagdagan ang mga casualties.

Isinugod na sa ospital ang mga nasugatan, ngunit sa kasamaang palad, 20 katao ang binawian ng buhay sa trahedyang naganap.

Ayon sa ulat ng local news, ang istasyon ng tren ay ginawa dalawang dekada na ang nakalilipas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *