Rabiya Mateo, nangunguna sa initial tally sa Miss Universe online voting

Rabiya Mateo, nangunguna sa initial tally sa Miss Universe online voting

NANGUNGUNANG kandidata para sa Miss Universe 2020 ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa online voting app.

Batay sa inilabas na resulta ng Lazada app, nangunguna si Rabiya sa kanilang partial tally para sa Miss Universe.

Sinundan siya ng Vietnam, Indonesia, Thailand, Malaysia, Romania, Armenia at Singapore.

Hindi pa kasali sa tally na ito ang boto sa Miss Universe app.

Samantala, dumating na sa Florida ang pambato ng Thailand na si Amanda Obdam.

Si Amanda at si Rabiya ang matunog ngayon sa mga kandidata ng Miss Universe dito sa Asya dahil na rin sa mga tagasuporta ng dalawa na ikinukumpara sila.

Samantala, confident naman ang supporters ng ating pambato kung ang ibang kandidata ay mahigit 100 outfits, si Rabiya naman ay mayroong 100 designers.

Miss Universe Philippines Rabiya Mateo’s photoshoot

Kilalanin si Rabiya

Si Rabiya ay isang Cum Laude na nakapagtapos ng physical therapy at nagsimulang magturo sa edad na 21. Siya ang kasalukuyang ambassador para sa Department of Education (DepEd) kung saan may proyekto ito tulad ng National Reading Month at AHA Learning Center.

Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2020. Photo from Instagram

Dahil sa kanyang pagkahilig sa edukasyon, sinimulan niya ang kanyang sariling proyekto na tinawag na ‘Feed Me and I Read You,’ isang programa na makakatulong sa mga batang mahihirap at naninirahan malapit sa dumpsite ng lungsod ng Iloilo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa tulad ng feeding programs at reading sessions.

Nagtatrabaho rin siya bilang isang volunteer sa Philippine Red Cross at pumupunta sa mga lugar na apektado ng mga kalamidad tulad ng mga bagyo at lindol upang magbigay ng reliefs.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *