Quezon
National

Quezon, makararanas ng malakas ng pag-ulan ngayong araw

SA lagay ng panahon, makararanas na malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin ang Quezon ngayong araw.

Batay sa lumabas na weather forecast ng Pagasa ngayong umaga, asahan ang pag-ulan na makaaapekto sa mga lugar sa Quezon sa susunod na dalawang oras.

Makakaranas naman ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog ang Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro, Zamboanga Peninsula, at Palawan na dala ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Easterlies naman ang makakaapekto sa lugar ng Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, Visayas, the rest of MIMAROPA, at Mindanao na may dalang isolated rain showers at thunderstorms.

Inaabisuhan naman ang lahat na mga residente sa nasabing lugar na maghanda para sa mga di inaasahang mga flash flood at landslide.

Sa ngayon ay patuloy pa din ang pagbabantay ng Pagasa at inaabisuhan ang lahat na manatiling naka-antabay sa mga susunod na advisory.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *