Quezon City LGU, nanawagan kay Angel Locsin na tumulong sa isasagawang massive testing

Quezon City LGU, nanawagan kay Angel Locsin na tumulong sa isasagawang massive testing

NANAWAGAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa aktres na si Angel Locsin na tumulong ito sa planong pagsasagawa ng massive testing sa libu-libong mga residenteng pumila sa community pantry nito noong Biyernes.

Ayon sa alkalde, ito ay para agad na matukoy ang mga bagong kaso partikular na sa mga nagtungo sa inorganisang community pantry ng aktres.

Matatandaan na mahigit sa dalawang libong residente ang pumila sa tinatawag na birthday pantry ni Locsin na ikinasawi ng isang matandang lalaki.

Kinumpirma rin ni Belmonte na hindi nakipag-ugnayan si Locsin sa mga opisyal ng lungsod na maaari sanang tumulong sa kanyang para mapanatili ang kaayusan at maipatupad ang mga health protocol sa mga pumila.

Nagpaalala naman si Belmonte sa mga organizer ng mga community pantries na magsilbing-aral ang nangyaring insidente at hinimok ang mga ito na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para matulungan ang mga ito.

NBI, magsasagawa ng sariling imbestigasyon sa pagkasawi ng matandang pumila sa community pantry ni Angel Locsin

Posibleng magsagawa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa insidente ng pagkamatay ng isang matanda habang nakapila sa community pantry ng aktres na si Angel Locsin.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra bagama’t hindi na aniya kailangang maglabas siya ng order para dito.

Ayaw rin magkomento ang kalihim kung sino ang mananagot sa pagkamatay ng 67-taong gulang na si Rolando dela Cruz.

Matatandaan na kabilang sa libo-libong taong pumila sa community pantry ni Locsin ang balut vendor na si Dela Cruz sa Barangay Holy Spirit noong Biyernes, Abril 23 bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ng aktres.

Nangako naman si Locsin na tutulong sa pamilya ni Dela Cruz.

(BASAHIN: Pag-imbita ni Angel Locsin sa milyon-milyong followers, isang malaking pagkakamali —Barangay official)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *