African Swine Fever (ASF)
Metro

Quezon City, kumpirmadong apektado na ng African Swine Fever (ASF)

KINUMPIRMA na ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) na apektado na rin ng African Swine Fever (ASF) ang Quezon City.

Ito ay matapos magpositibo aniya ang unang walong blood samples na isinumite mula sa mga baboy na namatay sa Barangay Bagong Silangan at Payatas sa nasabing lungsod.

Kabuuang 45 blood samples ang isinumite sa BAI pero hindi pa inilalabas ang mga resulta sa mga natitirang iba pa.

Dahil sa presensya ng ASF sa dalawang barangay, makipagkita ngayong araw si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga hog raiser sa payatas para pag-usapan ang agarang pagpatay sa mga baboy dito.

Pangungunahan ang pagpatutupad ng culling bilang bahagi ng 1-7-10 protocol ni Barangay Payatas Chairman Manny Guarin na may alaga rin ng halos 300 baboy.

Tiniyak naman ni Belmonte na may nakalaan na P10-million budget para sa financial assistance sa mga ASF affected areas.

Hinimok rin nito ang lahat ng mga apektadong barangay na isurender na ang kanilang mga baboy upang maiwasan ang pagkalat ng ASF sa iba pang lugar at baka aniya kulangin ang pondo.

Matatandaang una nang nagsagawa ng “culling” ang lokal na pamahalaan ng QC sa dalawang sitio sa Barangay Bagong Silangan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *