Quezon City, inanunsyo na ang mga lugar na gagawing vaccination sites

Quezon City, inanunsyo na ang mga lugar na gagawing vaccination sites

INANUNSYO na ng Quezon City ang sampung mga lugar na gagawing COVID-19 vaccinations sites.

Ang sampung lugar na ito ay sakop ng District 1 -6 ng lungsod.

Kabilang sa vaccine sites ng Quezon City ang Project 6 Tennis Court ng District 1, Batasan Hills National High School at NGC Covered Court ng District 2, Aguinaldo Elementary School ng District 3, Doña Josefa Jara Martinez High School; Diosdado Macapagal Elementary School ng District 4, Kaligayahan Activity Center at Fairview Covered Court ng District 5 at Emilio Jacinto Elementary School at Culiat High School ng District 6.

Bagama’t hindi pa pinal ang schedule ng pagdating ng bakuna sa lungsod, inihanda na ng lungsod ang mga inoculation site upang malaman na taumbayan na ginagawa ng lungsod ang lahat ayon kay Mayor Joy Belmonte.

Target ng lungsod na maka-establish ng dalawampu’t apat na vaccination site kabilang na ang mga city-run hospitals.

Matatandaang, noon nakaraang linggo, ibinalita ng lungsod na nakakuha ang lungsod ng 1.1 million doses ng bakuna mula sa AztraZeneca.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *