Quarantine facility para sa mga seafarer, binuksan sa Bataan

Quarantine facility para sa mga seafarer, binuksan sa Bataan

PORMAL nang binuksan ang quarantine facility sa Port of Capinpin sa Bataan na ginawa para sa mga seafarer na umuuwi sa bansa.

Dumalo sa naturang inagurasyon ang mga opisyal kabilang na sina Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, Office for Transportation Security (OTS) Administrator Raul del Rosario, Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Administrative Service and IATF Representative Artemio Tuazon, Jr., Assistant Secretary for Maritime Narciso Vingson Jr., at PPA PMO Bataan/Aurora Acting Port Manager Allan Rojo.

Ayon kay DOTr Asec. Goddess Hope Libiran, may laking 1,271.6 sqm ang bagong quarantine facility na pangangasiwaan ng PPA. Mayroon itong 124-bed capacity at hinihiwalay ng isang nurse station ang 25 cubicles para sa high risk cases.

Matatandaang sinimulang itinayo noong September 23, 2020 ang construction ng nasabing quarantine facility at natapos noong October 7, 2020.

Ang Port Capinpin ang isa sa inactivate ng DOTr na crew change hub para hindi na mahirapan ang mga seafarer kapag dumarating na sa Pilipinas.

Ayon sa DOTr mula September 1 hanggang October 6, 2020 ang One Stop Shop sa Port Capinpin na siyang nangangasiwa sa mga pangangailangan ng seafarers para sa crew change operation ay nakapasilbi na ng 27 vessels kasama na ang 564 Filipino seafarers at 20 foreign nationals.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *