Best Police District
Metro

QCPD, hinirang bilang Best Police District ng NCRPO

HINIRANG bilang Best Police District ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang Quezon City Police District o QCPD.

Ang paggawad ng parangal ay binigay sa kasagsagan ng selebrasyon ng ika 118th Police Service Anniversary ng NCRPO kanina sa Camp Bagong Diwa.

Hinirang naman ng ncrpo ang Caloocan City Police Office bilang Best City Police sa Metro Manila.

Tinanghal naman na Best Sr Police Commissioned Police Officers sina PCol. Moises Villaceran ng EPD, PCol. Arthur Bisnar ng QCPD, habang Best Jr Police Commissioned Police Officers sina Plcol Samuel Pabonita ng EPD at PMaj Sandie Caparroso ng QCPD.

Best Senior Noncommissioned Police Officer naman sina Police CMS Edmundo Aganan Jr. ng QCPD, at Police Executive Master Sergeant Jose Amy Yerro QCPD habang Best Jr Non-Commissioned Police Officer SSG Ronallee Santos ng QCPD at PCPL Alvin Tarectecan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *