QC LGU, pinalawak pa ang programa para sa mga mag-aaral

QC LGU, pinalawak pa ang programa para sa mga mag-aaral

MALAPIT nang maging kwalipikado bilang mga iskolar ng Quezon City ang mga atleta at mag-aaral ng vocational course dahil sinimulan nang palawakin ng pamahalaang lungsod ang kanilang scholarship program.

Ang naturang dalawang bagong scholarship program ay idaragdag sa kasalukuyang scholarship brackets para sa mga senior high school, tertiary students at post-graduate na mga mag-aaral

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, karapatan ng bawat kabataan ang de-kalidad na edukasyon kaya’t mas pinalawak pa ang scholarship program upang marami pang mag-aaral ang makatanggap nito.

Tinatapos na ngayon ng lungsod ang mga angkop na kurso para sa mga athletic at arts scholar. Nagtatatag naman ang Youth Development Office (YDO) ng mga patnubay para sa mga vocational scholar.

Ang mga estudyanteng kwalipikado para sa athletics and arts scholarship ay maaring makatanggap ng P10,000 tuition grant na may P4,000 stipend kada taon, habang ang kukuha ng vocational courses ay makakakuha ng P6,000 tuition stipend mula sa lokal na pamahalaan.

Maliban sa pagpapalawig ng scholarship, tinaasan din ng lungsod ang tuition subsidy at stipend para sa bawat scholarship program para sa school year 2021 hanggang 2022. Makakatanggap din ng P30,000 thesis grant ang mga master/doctorate student scholars.

Sinisikap din ng lungsod na bigyan ng subsidiya ang pagpasok ng mahigit 20,000 estudyante para sa susunod na taon, na halos 4,000 higit pa sa taong ito.

Kinakailangan lang magpadala ang mga aspiring QC scholars ng kanilang mga aplikasyon at iba pang requirements sa pamamagitan ng isang link na naka-post sa facebook page ng Quezon City government at Youth Development Office.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *