QC LGU pinahintulutan ang SONA rallies sa kabila ng pandemya

QC LGU pinahintulutan ang SONA rallies sa kabila ng pandemya

KALAYAANG maihayag ang sa loobin o freedom of expression ang naging dahilan ng pagpayag ng QC LGU sa pagdaraos ng mga rally sa huling Ulat sa Bayan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Subalit mariing ipapatupad ang mga health protocols lalo na at napaka delikado ang banta ng COVID-19 Delta variant sa Pilipinas.

Sa kabila ng napag kasunduang pag sasagawa ng State of the Nation Address (SONA) rallies ng ibat-ibang grupo at ng Quezon City government, maigting parin binabantayan ang pag iimplementa ng health protocols sa huling SONA ni Pangulong Rodrigo Roa Dueterte.

Nito lamang Sabado ng umaga ay nakipag-kita si Mayor Joy Belmonte, Quezon City Police Chief General Antonio Yarra, City Attorney Orlando Paolo Casimiro at Chief of Staff Rowena Macatao sa ibat-ibang grupo na kasamang dadalo sa gaganapin na rally.

Sa kabila nito, binigayn diin parin ni Mayor Joy Belmonte na huwag maging kumpiyansa at maging maingat parin sa naka-ambang panganib na dala ng Delta variant sa kabila nang pag papahintulot na mag karoon ng mapayapang pagtitipon-tipon at kalayaan sa pag sasalita.

“We have an existing health crisis made more volatile by the presence of the highly infectious Delta variant in Metro Manila. It is everyone’s civic duty to adhere to minimum health standards and limited mobility,” ani Mayor Belmonte

Samantala sinigurado naman ng Mayora na ng lahat na makikilahok sa rally ay makapag bibigay ng kumpletong impormasyon sa CESU para sa contact tracing kung sakaling mag positibo virus.

“We were assured by the rally organizers that they would closely monitor their ranks and we consented, subject to strict adherence to health protocols,” ani Belmonte.

Napag kasunduan rin ng rally organizers sa sumunod sa City’s Ordinances na walang aberyang mangyayari sa daloy trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Sinabihan din ng Mayora ang mga organizers na pahintulutan lng ang mga fully vaccinated para maibsan ang pag laganap kung sakaling may mangyaring hawahan.

Ayon sa organizers, walang pagkain na ibibigay at hand sanitizers, faceshields at facemasks lamang nag ibibigay sa mga dadalo.

Dagdag ng Mayora, hindi papayagan ang minors at senior citizens na dumalo kahit pa fully vaccinated ang mga ito.

Ang mga aktibidad ng SONA ngayong taon ay ang kauna-unahang pagkakataon na ang pamahalaang lungsod ng Quezon, ang QCPD at ang iba`t ibang mga progresive group na sumang-ayon na magtulungan upang maitaguyod ang parehong karapatang pantao sa kalusugan at ang mga karapatang konstitusyonal sa mapayapang pagpupulong at malayang pagsasalita.

 

SMNI NEWS