QC LGU, nagsagawa agad ng contract tracing sa unang kaso ng UK COVID-19 variant

QC LGU, nagsagawa agad ng contract tracing sa unang kaso ng UK COVID-19 variant

PATULOY na minomonitor ngayon ng Quezon City government sa pakikipag-ugnayan sa Department of Health ang unang kaso ng UK variant ng COVID-19 na nadiskubre sa isang residente ng siyudad.

Ito’y matapos madiskubre na positive bagong strain ng virus ang isang taga-Quezon City  na nanggaling sa isang business trip sa Dubai.

Nitong Enero 7 nang makauwi ang pasyente mula Dubai sakay ng Emirates Flight No. EK 332.

January 13, ilang araw bago nakarating sa bansa, nadiskubre na positibo sa bagong variant ang pasyente.

Ang kasama naman nitong babae sa kaniyang biyahe sa Dubai, negatibo sa COVID upon arrival sa bansa.

Dahil dito, puspusan na ang contract tracing ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng QC Gov’t.

Na- trace na ang close contacts ng pasyente pagdating nito sa bansa.

Kabilang dito ang health workers sa isolation facility kung saan ito dinala pagkalapag nito sa paliparan mula Dubai.

Kabilang din sa contract tracing ang Barangay Health Emergency Response Team na nagdala sa pasyente mula sa hotel papunta sa isolation facility.

Hinihintay naman ngayon ng CESU ang listahan ng mga pasaherong nakasabay ng pasyente mula Dubai kung may ibang taga Quezon City na kasama sa flight.

Bilang paghahanda rin, dinala na rin sa isolation facility ang immediate household contacts para maisalang sa COVID-19 test.

Nagpatupad rin ng heightened surveillance ang lokal na pamahalaan sa lokalidad para maagapan ang presensya ng clustered cases.

Nanawagan naman si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga residente na maging mapagmatyag laban sa bagong variant ng COVID-19.

Nanawagan din ito sa komunidad na huwag mag-panic.

We have to remain cautious and  vigilant to avert the spread of this new variant. What is important is we take care of the resident, and make sure we don’t sow panic in the community,” pahayag ni Belmonte.

Nanawagan din ang alkalde na sumunod sa health protocols upang maibsan ang pagkalat ng virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *