PUV drivers, makatatanggap ng hanggang P25-K incentive sa ilalim ng service contracting program

PUV drivers, makatatanggap ng hanggang P25-K incentive sa ilalim ng service contracting program

BILANG pagpupugay sa PUV drivers sa Labor Day ay bibigyan sila ng karagdagang incentive mula sa Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Service Contracting Program.

Marami na ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya, kabilang na ang mga jeepney driver na umaasa lamang sa kita sa pamamasada para tustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kaya sa panahon ngayon na may pandemya ay naging malaking tulong sa kanila ang Service Contracting Program ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ikinatuwa rin ng mga ito ang karagdagang incentives para sa mga Public Utility Vehicle (PUVs) drivers sa ilalim ng Service Contracting Program ng ahensya.

Alinsunod sa Memorandum ng LTFRB, ang mga onboarded PUV drivers hanggang ika-atrenta ng Abril 2021 sa Service Contracting Program ay makakatanggap ng one-time incentive na Php25,000.

Kung ang PUV driver naman ay mao-onboard sa programa mula Mayo 1 hanggang Hunyo 15, 2021, Php20,000 ang kanyang matatanggap na one-time incentive.

Bukod pa rito, maaaring makatanggap ng dagdag na Php7, 000 ang mga PUV drivers kung sila ay maglolog-in sa Systems App nang limang beses sa loob ng isang linggo.

Maaaring magrehistro ang interesadong driver na bukas na ang ruta ngayong pandemya sa pamamagitan ng link na ito: www.servicecontracting.ph.

Patuloy na hinihimok ng DOTr at LTFRB ang mga kababayang tsuper na magrehistro na sa Service Contracting Program upang matulungan sila na makaahon sa panahon ng pandemya.

(BASAHIN: Pagtatanim ng puno, mandatoryo na sa mga PUV na kukuha ng prangkisa)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *