Pulso ng taumbayan: Ipagpatuloy ang nagawa ni PRRD — PACQ

Pulso ng taumbayan: Ipagpatuloy ang nagawa ni PRRD — PACQ

MATATAPOS na ang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa taong 2022 at sa loob ng halos anim na taon ay naramdaman ng taumbayan ang pagbabago na kanilang inaasam.

Pero kulang pa ito anila kaya giit ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na nais ng mga Pilipino ang tuloy-tuloy na pagbabago.

“Ano ang pulso ng tao ngayon? Continuity. Ipatuloy itong ginagawa ng ating pangulo,” ang naging sagot ni Pastor Apollo kung ano ang pulso ng taumbayan ngayon na malapit nang matapos ang pamumuno ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Pastor Apollo na ito ay matapos nakita ng mga Pilipino ang mga pagbabago sa bansa nang maluklok si Pangulong Duterte na hindi kailan man nagawa ng mga nagdaang administrasyon.

Una nang ipinaliwanag ng butihing Pastor na bawat administrasyon ay may mga nangyayari at may mga kahinaan ang Pangulo na nakikita ng taumbayan.

Tulad na lang ng mga karahasan sa panahon ng Martial Law na nag-udyok sa mga mamamayan na iluklok sa posisyon ang mga taong sa tingin nila ay magdadala ng pagbabago at hindi kailanman aabusuhin ang kapangyarihan.

Dumaan ang mga iba’t ibang pamamahala hanggang umabot sa panahon ni dating Presidente Noynoy Aquino kung saan laganap ang krimen at ang mga ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Ito ani Pastor Apollo ang ikinagagalit ng mga Pilipino dahil hindi nasugpo ang kriminalidad dahil sa talamak na paggamit ng mga droga at dahil dito ay hindi nakakamit ang peace and order sa bansa.

“Ang pulso ng bayan, naghanap sila ng taong makakapagbigay ng semblance of security sa Pilipino at sa Pilipinas. Eh walang hardliner nung mga panahong ‘yun kundi si Mayor Rodrigo Duterte. At meron siyang exhibit A: ang Davao City na [tinaguriang] Nicaragdao pero noong siya naging mayor dito eh napabago niya ang takbo, nagkaroon ng peace and order. Hardliner kasi lalo na sa illegal drugs, sa criminality. Kaya nandoon siya. Talagang matibay, matapang at talagang ginagawa niya ang trabaho bilang Chief Executive ng Davao as a Mayor,” pahayag ng butihing Pastor.

Sa halos anim na taon na panunugkulan ni Pangulong Duterte ani Pastor Apollo ay naranasan ng mga mamamayan ang tunay na pagbabago dahil sa mga iba’t ibang programa ng administrasyon.

Tulad ng programang Build, Build, Build na layong mabigyan ng kaginhawaan ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga imprastraktura.

Giit ng butihing Pastor na maging ang insurhensiya sa bansa ay malapit na ring matapos dahil sa programang NTF-ELCAC ng administrasyong Duterte na naging susi sa malawakang pagsuko ng mga miyembro ng makakaliwang grupo.

Ilan lang ito sa mga magagandang nagawa ng Pangulo na dahil dito aniya ay nakukulangan ang taumbayan sa anim na taon ng administrasyong Duterte.

Kaya ang pulso ng bayan ngayon ay ipagpatuloy ang nagawa ng pangulo.

“’ Yun ang takot ng tao, babalik sa old political order at landscape ang Pilipinas, ayaw na nila ‘yun. Ang gusto nila, ‘yung pamamahalang katulad kay President Rodrigo Duterte at ipagpatuloy pa ito. Iyan ang pulso ng tao ngayon. Ngayon, sino ang makapagpapatuloy niyan? ‘Yun ang pipiliin ng tao. That will be the choice of the majority, who will be able to continue what President Rodrigo Roa Duterte has already done as a heroic president in just more than five years. Who will be the one? And who will be the next chief executive who will run in that course? The main agenda is continuity. Kung maaari lang, iyang six years, alisin ‘yun eh, president for life sana siya, iyan ang clamor ng tao. Pero dahil nasa konstitusyon hindi natin mababago kaya maghahanap ang tao ngayon kung sino ang pwedeng magpatuloy niyan,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Sa huli, sinabi ni Pastor Apollo na sawa na ang mga Pilipino sa mga traditional politicians na puro pangako ngunit wala namang gawa at resulta. Ang nais ng taumbayan aniya ay ang mga taong matatapang na magpapatuloy sa mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

(BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy, tinawag na pagsasayang ng oras ang kaso ni Pangulong Duterte sa ICC)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *