Pulis ng RMFB 5, biktima ng frustrated murder ng kapwa nitong pulis sa Legazpi

Pulis ng RMFB 5, biktima ng frustrated murder ng kapwa nitong pulis sa Legazpi

BIKTIMA ng frustrated murder ang kapwa nitong pulis ng RMFB 5 sa Legazpi City.

Sinibak na sa pwesto ang Aviation 5 Regional Director Police Colonel Dolnuan Dinamling, suspek sa pananaksak sa isang police non-commissioned officer ng Regional Mobile Force Batallion 5, dahilan ng pagkabulag ng biktima.

Sinasabing ang suspek na pulis ng RMFB 5 ay lasing nang maganap ang insidente.

Baldado na ang kanang mata ni Regional Mobile Force Batallion 5 police master Sergeant Ricky S. Brabante ng Camp Ola, Legazpi City.

Ito’y matapos na saksakin si Brabante ng isang senior officer ng RMFB 5 na kinilalang si Police Colonel Dolnuan Dinamling Jr. dahil sa kalasingan.

Sa isang social media post ni Reynold Villania, ikinuwento aniya ni Brabante ang insidente bago ang nakakatakot na pananaksak ni Dinamling sa kanya.

November 12, araw ng Biyernes, nagkaroon ng birthday celebration sa loob ng RMFB 5 par sa kanilang group director na si Police Colonel Clarence Gomeyac, ng PNPA class 1998.

Kabilang sa mga dumalo na mga opisyal ay si Police Colonel Dulnoan Dinamling, commander ng aviation 5.

Ayon kay Brabante, inabot aniya ng madaling araw ang selebrasyon at bilang isang non-commissioned officer, napag-utusan ito na magligpit ng mga gamit pagkatapos ng okasyon.

Alas dose trenta ng madaling araw ng sabado nang maisipan ni Brabante na maglakad-lakad aniya sa loob ng kampo at sa di kalayuan at may napansing siyang nagformation at dahil umuulan inutusan niya itong sumilong muna sa tent pero lingid sa kaalaman nito ay kinakausap pala ni Dinamling ang mga junior officers at kapansin pansin aniya ang kalasingan nito.

Ilang segundo lang, biglang may tumama sa kanyang mata mula sa likurang bahagi nito at nakita niya si Dinamling na may hawak na basag na kopita.

Agad na napaluhod si Brabante dahil sa sobrang pagdurugo ng kanyang mata kasabay ng takot kung ano pa ang maaaring gawin ng opisyal sa kanya buti nalang aniya ay napagilan ng mga kasamahan nito.

Agad naman siyang dinala sa ospital para gamutin ang kanyang mata, pero sa kasamaang palad, basag na aniya ang kanang mata at kinailangan itong tanggalin upang maiwasan ang komplikasyon.

Matapos naman ang insidente, agad na ipinag-utos ni Police regional office 5 director Police Brigadier General Jonnel Estomo ang pagsasagawa ng imbestigasyon at agarang pagsibak sa pwesto sa suspek na si Dinamling.

Kakaharapin din nito ang kasong administratibo.

Ipinauubaya rin ni Estomo sa biktima ang pasya sa pagsasampa ng karagdagang kaso laban kay Dinamling.

Bilang tulong sa biktima, sinagot na ng PRO 5 ang gastusin sa pagpapagamot at bayarin sa ospital.

Nasa pangangalaga ngayon ng “special investigation task group brabante” para pangunahan ang imbestigasyon ng kaso.

Agad din itong kinondena ni PNP chief, Police General Dionardo B. Carlos kasabay ng paglilinaw na wala aniyang kinikilalang posisyon ang PNP lalo na kung may kinalaman sa pang aabuso sa otoridad.

“We maintain the integrity of the investigation giving equal right to both parties involved. Rank may have its privileges but it can never justify abuse of power and drunken misconduct, and PCol. Dinamling will have to face the consequences of his actions,”ayon kay PGen. Carlos.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *