National

Publiko, pinag-iingat sa migratory birds na posibleng pinagmulan ng Bird flu outbreak sa Pampanga

Pinaiiwas muna ng Department of Environment and Natural Resources – Biodiversity Management Bureau ang publiko na magkaroon ng ‘contact’ sa migratory birds na dumarayo sa bansa mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ito ay dahil sa posibilidad na posibleng nagmula sa migratory birds ang kasalukuyang bird flu outbreak sa Pampanga.
Ipinagbawal na rin ni DENR-BMB Director Mundita Lim, ang pagkatay sa migratory birds dahil sa bantang mas kumalat ang Bird flu mula sa ‘human contact’.
Ayon kay Lim, buwan ng septyembre magsisimula ang pagdating ng migratory birds sa Pilipinas at aalis ang mga ito sa Marso ng 2018.
Bumuo na rin ng komite ang DENR na tututok sa Bird flu outbreak para maiwasan na mahawa ang mga tao sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *