Publiko, pinag-iingat sa mga scammers at pekeng mga contact tracer

Publiko, pinag-iingat sa mga scammers at pekeng mga contact tracer

PINAG-iingat ang publiko sa mga scammers at pekeng contact tracer nananamantala sa gitna ng krisis.

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) at ang Philippine National Police (PNP) na maging mas vigilante o mapagbantay at tugisin ang mga scammers at pekeng contact tracer.

Ayon kay Secretary Eduardo Año, karagdagang virus ang mga scammers dahil unti-unting dumarami kasabay sa kinakaharap ng krisis sa bansa.

Naglabas na rin naman ang abiso ang Department of Health (DOH) hinggil dito at binalaan ang publiko laban sa mga indibiduwal na nagpapanggap na miyembro ng DOH contact tracing team.

Hinihingi umano ng mga naturang con artists ang personal na impormasyon ng kanilang biktima at saka manghihingi ng pera.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *