nakalalasong lipstick
National

Publiko, pinag-iingat laban sa pagkalat ng mga nakalalasong lipstick sa merkado

PINAG-iingat ngayon ng Ecowaste Coalition ang publiko laban sa pagkalat ng mga peke at nakalalasong lipstick sa merkado.

Ginawa ang babala matapos matuklasan ang mga counterfeit na produkto sa mga banketa sa Divisoria sa Maynila.

Sampung samples ang nakitaan ng mataas na content ng lead na mataas sa itinatakda ng Asean Cosmetic Directive (ACD).

Kabilang sa mga brands na pineke ay ang MAC at Revlon lipstick na nabibili sa bangketa sa halagang P35- P50 bawat piraso.

Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo, posibleng magdulot ng kumplikasyon sa kalusugan ang mga nabanggit na nagtataglay ng chemical and bacterial contaminants.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *