ipinagbabawal na paputok
National

Publiko pinaalalahanan sa ipinagbabawal na paputok

MULING nagpa-alala ang Department of Health sa publiko na huwag gumamit ng mga ipinagbabawal na paputok sa pagsalubong ng bagong taon.

Hinimok din ni Health Sec. Francisco Duque III ang mga magulang na tingnang maigi ang mga gamit ng kanilang mga anak.

At alamin kung mayroon itong biniling mga ipinagbabawal na paputok.

Ayon kay Duque, dapat kumpiskahin ng mga magulang ang mga paputok mula sa kanilang mga anak upang makaiwas sa disgrasya.

Binigyang-diin ni Duque na dapat ay maintindihan ng mga magulang ang panganib na dulot ng pagpapaputok.

Lalo na sa kalusugan at hinaharap ng kanilang mga anak.

Sa report ng DOH, nasa pito na ang bilang ng mga naitatalang firecracker-related injuries sa buong bansa ngayong taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *