Publiko, hinimok ni Davao City Mayor Sara Duterte na protektahan si Bongbong Marcos

Publiko, hinimok ni Davao City Mayor Sara Duterte na protektahan si Bongbong Marcos

NANAWAGAN si Davao City Mayor at Vice-presidential aspirant Sara Duterte sa publiko na protektahan si Presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Sina Duterte at Marcos ang magkatambal sa paparating na 2022 general elections o ang BBM-Sara tandem.

Sa isang mensahe sa Tagum City, ang protektahan si BBM ang pinaka-magagawa ng mga supporter para sa kanilang presidentiable.

“Kailangan nating protektahan ang ating pag-suporta. Protektahan natin ang ating kandidato. Protektahan natin si BBM,” saad ni Mayor Sara.

Sa ngayon ay may limang nakabinbing petisyon sa Commission on Elections- lahat para pigilan si Marcos sa kanyang pagtakbong pangulo.

Diin ni Mayor Sara na hindi dapat ihinto ang pagsuporta sa BBM-Sara tandem, at tiyakin na makaboboto ang lahat at protektahan ang kanilang mga boto para magkaroon ng Marcos-Duterte sa 2022.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *